Ni Bert de Guzman

Sinabi kahapon ni House Speaker Pantaleon Alvarez na nais ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na magkaroon ng mas maraming kandidatong senador mula sa Mindanao sa 2019 mid-term elections.

Ayon sa kanya, tatlo lang sa ngayon ang senador mula sa Mindanao: sina Senate President Aquilino Pimentel III, Senators Migs Zubiri at Manny Pacquiao.

“Let’s add some more (from Mindanao),” ani Alvarez.

Dahil dito, hihimukin ng Speaker na kumandidato sa pagkasenador si Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go.

Catriona Gray: 'Sana dumating ang panahon na ang kalayaan ay hindi lang ipinagdiriwang tuwing June 12'

Bukod kay Go, isusulong din niya ang kandidatura nina Davao City Rep. Karlo Nograles at Maguindanao 2nd District Rep. Sajid “Dong” Mangudadatu.