Ni Danny J. Estacio

SARIAYA, Quezon - Hindi akalain ng isang obrero na ang pagtuklaw sa kanya ng ahas ay magiging mitsa ng kanyang kamatayan sa Barangay Concepcion 1, Sariaya, Quezon, nitong Huwebes ng umaga.

Nasawi si Bernardo Rio Jader, Jr., 54, ng Barangay Pili, Sariaya, anim na oras makaraan siyang matuklaw ng ahas sa kagubatan ng Bgy. Concepcion 1.

Bago ang insidente, nagtungo sa kagubatan si Jader upang manguha ng panggatong nang tuklawin ito ng ahas sa kanang binti.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Tumanggi si Jader na maisugod sa ospital, at makalipas ang anim na oras ay nahihirapan na itong huminga at nanghihina hanggang sa mamatay.