Ni ADOR SALUTA
TATLONG Kapamilya stars ang nominado sa kategoryang Favorite Pinoy Newbie sa 31st Nickelodeon Kids’ Choice Awards at ito’y sina Iñigo Pascual, Loisa Andalio at Joshua Garcia.
Inihayag ng Nickelodeon ang mga nominado sa pamamagitan ng isinagawang voting process nitong Pebrero 26. Para maipanalo ang inyong paboritong Pinoy Newbie, maaaring bumoto ang fans sa Nickelodeon Asia website or via Twitter.
Ang 31st Annual Nickelodeon Kids’ Choice Awards ceremony ay gaganapin sa Marso sa The Forum sa Inglewood, California.