Ni Czarina Nicole O. Ong

Nag-plead kahapon ng “not guilty” si Danao City Mayor Ramonito Duterte Durano, ang second cousin ni Pangulong Duterte, sa Sandiganbayan Fifth Division para sa kinahaharap na paglabag sa Administrative Code of 1987.

Akusado si Durano sa kabiguang maibalik sa serbisyo ang ilang kawani ng siyudad noong 2014 sa kabila ng iniutos na ito ng Civil Service Commission (CSC), at inobliga siyang bayaran ang back wages, leave credits, at iba pang benepisyo ng nasabing mga empleyado.
Tsika at Intriga

Kailangan na ulit mag-artista? Kris Bernal damang-dama hirap ng pagpapagawa ng bahay