ISTANBUL (AFP) – Nalagasan ng mamamayan ang Turkey sa pakikipagbakbakan sa Kurdish militia sa hilagang kanluran ng Syria, inihayag na walong sundalo ang napatay at 13 ang sugatan.

Ang bilang ng mga namatay, na kinumpirma ng Turkish military staff sa magkahiwalay na pahayag, ang naging sanhi upang maging isa sa mga kahindik-hindik na araw ang Huwebes para sa Ankara simula nang ilunsad ang cross-border operation laban sa People’s Protection Units (YPG) sa Syria’s Afrin region noong Enero 20.

“As part of the operations in Afrin, five of our heroic comrades fell as martyrs and seven were wounded” nitong Huwebes, base sa unang pahayag ng staff.

Internasyonal

38 tripulanteng Pinoy ng MV Hondius, negatibo sa Hantavirus