LOS ANGELES (Reuters) – Dahil sa banta ng pagguho ng lupa, pinalikas ang 30,000 katao na nakatira malapit sa naabong bundok sa Santa Barbara coast.

Ipinatupad ang paglikas sa mismong lugar kung saan bumuhos ang ulan noong Enero 9 at gumuho ang lupa na ikinamatay ng 21 katao, ilan ang sugatan at nasira ang daan-daang bahay.

Naganap ang trahedya sa Montecito, 85 milya (137 kilometro) ng hilagang kanluran ng Los Angeles.
Internasyonal

38 Pinoy crew ng MV Hondius, ligtas sa hantavirus