Ni Lyka Manalo

LIPA CITY, Batangas - Palaisipan ngayon sa pulisya ang pagkakadiskubre sa dalawang bangkay na umano’y sinalvage sa Lipa City, Batangas, nitong Huwebes ng umaga.

Sa pag-iimbestiga ni SPO1 Luis De Luna Jr., dakong 6:30 ng umaga nang matagpuan ang dalawang bangkay.

Sinabi ni Dizon Noce na nadiskubre niya ang dalawang bangkay habang kumukuha siya ng panggatong sa Purok 1, Barangay Anilao Proper.

Probinsya

Babaeng, mag-eenroll ng dalawang anak, patay matapos pumailalim sa bus

Parehong nagtamo ng sugat sa ulo ang mga biktima, ayon sa pulisya.

Inilarawan ang mga biktima na kapwa nasa 5’5”-5’8” ang taas at 30-35 ang edad.