Ni Jun Ramirez

Sinampahan kahapon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng hiwalay na kasong tax evasion ang dalawang negosyante dahil sa umano’y pagtangging bayaran ang kanilang matagal nang overdue na buwis.

Sa reklamong inihain sa Department of Justice (DoJ), kinilala ang mga negosyanteng sina Peter Garcia, proprietor ng Foot Haven Shop ng Tutuban Center, Recto Avenue, Tondo; at Marvin Gata, presidente ng Sea Dragon Shipping and Logistics, sa Regina Building, Escolta, Binondo.

Nabatid na nahaharap si Garcia sa umano’y hindi pagbabayad ng income at value-added taxes (VAT) na nagkakahalaga ng P7.5 milyon para sa pagbubuwis noong 2010.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Habang ang kumpanya ni Gata ay may dapat na bayaran sa BIR ang mahigit P15 milyon kita, VAT, expanded withholding tax, at documentary stamp tax ng parehong taon.

Ipinakita sa charged sheets na ang dalawang respondent ay ilang beses nang nabigyan ng notification kaugnay ng kanilang utang sa buwis.

‘The respondents’ obstinate failure and continued refusal to pay their long overdue deficiency taxes despite repeated demands,constitute failure to pay taxes due the government,” sabi ni Manila Revenue Regional Director Romulo Aguila, Jr.