Ni PNA

NAGKAMPEON ang Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Zamboanga del Norte Provincial Mobile Company (ZDNPMC) sa katatapos lamang na 1st Police Regional Office-9 (PRO-9) SWAT Challenge.

Ipinahayag ni Chief Insp. Helen Galvez, information officer ng PRO-9, na nitong Martes ay nakakuha ang ZDNPMC ng 1,650 statistical points sa five-stage course ng sunog, sa dalawang araw na kompetisyon.

Ang ZDNPMC ay binubuo nina Senior Insp. Gregorio Joel Bungulan, SPO1 Ernesto Bulajao Jr., PO3 Kitch Ivan Gesulga, PO2 Dino Latawan, PO2 Armand Moncida, PO2 Jose Alfred Bait-it, PO2 Carl Edward Panoril, PO1 Dover Troy Aleta, PO1 Eric Panangitan, at PO1 Mark Medard Balingit.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ayon kay Galvez, ang five-stage course ng sunog ay ang Basic, Close Quarter Battle, Bus Assault, Obstacle, at Pistol.

Lumahok din ang iba pang grupo: Zamboanga Del Sur Provincial Mobile Company, ikalawang puwesto; Zamboanga City Mobile Force Company, ikatlong puwesto; Regional Mobile Forces Battalion, ikaapat na puwesto; Dipolog City Police Station, ikalimang puwesto; at, Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Company, ikaanim na puwesto.

Aniya, ang dalawang araw na kumpetisyon ay ginanap noong Pebrero 24-25 sa Execom Shooting Range at Regional Mobile Forces Company Firing Range sa Camp Col. Romeo Abendan sa Zamboanga.

Ang dalawang araw na SWAT shooting competition ay pinangasiwaan ng Philippine National Police (PNP) Match Officers, sa patnubay ng Philippine Shooters and Match Officers Confederation (PSMOC).

Samantala, binanggit din ni Galvez na ang ZDNPMC, bilang kampeon, ang naging kinatawan ng PRO-9 sa ginanap na Chief PNP National SWAT Challenge sa Maa, Davao City na nagsimula kahapon, Marso 1, at magtatapos bukas, Biyernes, Marso 3.