Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum )

4:30 n.h. -- Globalport vs Phoenix

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

7:00 n.g. -- Ginebra vs Rain or Shine

MAKAHABOL para sa quarterfinals ang tatangkain ng Phoenix Petroleum sa pagsagupa sa Globalport Batang Pier sa pagtatapos ng elimination round ngayon sa 2018 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Ganap na 4:30 ng hapon ang salpukan ng Batang Pier at Fuel Masters bago ang tampok na laban sa pagitan ng Barangay Ginebra at Rain or Shine ganap na 7:00 ng gabi.

Sa apat na koponang sasabak sa huling araw ng preliminaries, ang Phoenix lamang ang hindi pa siguradong pasok sa playoffs.

Kasalukuyang nasa ikapitong puwesto taglay ang barahang 4-6, kinakailangan ng Fuel Masters na makopo ang panalo upang makasiguro ng playoff berth para sa ikawalo at huling quarterfinals slot.

Kapag nagwagi kontra Globalport, magtatabla sila sa markang 5-6, kasama ng TNT Katropa at Blackwater.

At kung magwawagi ang Rain or Shine, tatabla din sa kanila ang Barangay Ginebra sa barahang 5-6.

Sakaling magkaroon ng 5-way tie, reresolbahin ito sa quotient kung saan ang pinakamababa ang maagang mai-eliminate kasama ng Kia at Meralco habang paglalabanan ng apat na matitira ang huling dalawang slots sa quarters.

Ngunit kung magwawagi naman ang Globalport at Ginebra, ang TNT at Blackwater na lamang ang mag-aagawan sa last quarterfinals berth.