HATAW NA!
VIGAN, Ilocos Sur – Muling paparada sa lansangan ang tinaguriang ‘Boys of Summer’ para sa pinakahihintay na labanan para sa prestihiyosong korona at overall championship sa 2018 LBC Ronda Pilipinas.
Handa at determinado ang Philippine Army-Bicycology Shop, sa pangunguna ni Pfc. Chris Joven, na maagaw ang overall championship sa Navy-Standard Insurance at matutunghayan ng madla ang kanilang naging paghahanda sa pagsiakd ng Stage One ngayon sa makasaysayang lalawigan ng Ilocos Sur.
“Mas handa at mas kumpiyansa ang team ngayon. Higit kaming naging pursigido dahil alay naming itong pagsabak namain sa aming mga kasama na napalaban sa Marawi City. Wala man kaming maibigay na pinansiyal na tulong, morale-support ang pagpupugay an gaming hatid sa aming mga kasama sa Army,” pahayag ni Joven, “ pahayag ni Joven, tumapos sa ikatlo sa individual title sa likod nina John Paul Morales ng Navy-Standard Insurance.
“Malaki rin pasalamat naming sa tulong at suporta ng Bicycology Shop mula kina Sir Eric (Buhain) at John (Garcia). Bagong team sponsors, bagong pag-asa para sa amin,” aniya.
Bukod kay Joven, ibibida rin ng Army-Bicycology Shop sina Cpl. Lord Anthony Del Rosario, Pfc. Marvin Tapic, Sgt. Alvin Benosa, Sgt. Alfie Catalan, Sgt. Reynaldo Navarro, Sgt. Merculio Ramos, at Pfc. Kenneth Solis. Ang koponan ay nasa pangangasiwa ni Commanding Officer Col. John Divinagracia at coach SSG Paterno Curran kasama ang crew na sina Cpl. Arnold Mercado.
Sa individual class, inaasahang magiging karibal ni Joven ang mga nagbabalik na dating kampeon na sina Santy Barnachea ng Team Franzia at Irish Valenzuela ng CCN Superteam.
Target ng 32-year-old Morales na makalikha ng kasaysayan bilang kauna-unahang ‘three-peat’ rider sa cycling marathon na itinataguyod ng LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.
“Mabigat ang laban. Hindi basta-basta ang mga kalabannatin. Naghanda tayo. Sila rin naman nakapaghanda. Yung tulungan nalang naming as a team ang magiging bentahe rito,” pahayag ni Morales.
Sisibat ang 40-kilometer Stage One criterium ngayon ganap na 8:00 ng umaga. Tatahakin nito ang ruta sa kabuuang ng makasaysayang Calle Crisologo, Quezon Avenue, A. Reyes at Delos Reyes streets.
Sunod ang 155.4km Vigan-Pagudpud Stage Two sa Linggo bago ang pahirapang 223.5km Pagudpud-Tuguegarao Stage Three sa Lunes at 135.2km Tuguegarao-Isabela Stage Four sa Martes.
Magkakaroon muna ng pahinga sa Marso 7 at magbabalik ang aksiyon sa Marso 8 para sa 179.4km Isabela-Nueva Ecija Stage Five, kasunod ang 111.8km Nueva Ecija-Tarlac Stage Six sa March 9, 31.5km Individual Time Trial Stage Seven at 42.14km Team Time Trial Stage Eight na kapwa gaganapin sa Tarlac sa Marso 10 at 11.
Ang iba pang ruta ay ang 207.2km Silang-Batangas-Tagaytay Stage Nine sa Marso 15, 147.8km Tagaytay-Calaca Stage 10 sa March 16, 92.72km Calaca-Calaca Stage 11 sa Marso 17 at 50km Filinvest Alabang criterium Stage 12 sa Marso 18.