Ni Marivic Awitan

PINATAOB ng Emilio Aguinaldo College tandem nina Paulo Cezar Lim at Joshua Mina turned ang tambalan nina Joebert Almodiel at Rey Taneo ng defending men’s champion Perpetual Help, 21-19, 21-17, upang masolo ang pamumuno sa ginaganap na NCAA Season 93 beach volleyball tournament sa Boardwalk sa loob ng Subic Bay, sa Zambales.

Ang panalo ang ikapitong sunod para sa Generals na posibleng direktang umusad sa kampeonato kung maipapanalo ang dalawang nalalabi nilang laro sa eliminations kontra Lyceum of the Philippines University at Letran.

“Nag focus lang talaga kami sa laro. Pinag-aralan din namin kung paano sila lumaro at kung paano kami mananalo sa kanila, “ pahayag ni Lim.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Dahil sa kabiguan, bumaba ang Altas sa ikalawang puwesto kasalo ng Pirates na may markang 6-1.

Sa women’s division,ginapi ng San Beda twins na sina Maria Jeziela at Maria Nieza Viray ang EAC duo nina Jaylene May Lumbo at Glyka Mariz Medina, 21-6, 21-11, para sa ika-6 na sunod nilang panalo na nagluklok sa kanila sa liderato.

Bumagsak ang Lady Generals sa ikalawang posisyon hawak ang markang 6-1.

Kasunod nila at nasa ikatlong puwesto hawak ang barahang 4-2 ang Jose Rizal University at University of Perpetual.