Ni Gilbert Espeña
KAHIT hindi nananalo sa puntos ang mga boksingerong Pilipino na lumalaban sa Russia, kakasahan pa rin ni dating interim WBA Oceania bantamweight champion Kenny Demecillo ang walang talong si WBC International Silver bantamweight titlist Vyacheslav Mirzaev sa Marso 17 sa RGK “Kapitan”, Anapa, sa nasabing bansa.
Dating WBF Asia Pacific bantamweight ruler si Demecillo na tubong Iligan City, Lanao del Norte.A
Natamo naman ni Mirzaev ang regional title ng WBC nang patulugin si European bantamweight champion noong Nobyembre 26, 2016 sa Pyatigork, Russia.
Dalawang beses na niya itong naidepensa sa puntos kina dating world ranked Anthony Settoul ng France noong Hunyo 3, 2017 at IBF Pan Pacific bantamweight ruler Sukpraserd Popitak ng Thailand noong Disyembre 9, 2017 sa mga sagupaang ginanap sa Russia.
May perpektong rekord na 10 panalo, 1 lamang sa knockout si Mirzaev kumpara kay Demecillo na may kartadang 13-4-2 na may 7 pagwawagi sa knockouts.