Sa anong talento mahusay ang anak mo? Bilang mga magulang alam natin na mayroong tinatagong talento ang mga anak natin. Ang iba ay may hilig sa pagkanta habang ang iba naman ay mahusay sa pagpipinta.

Mahalaga na matuklasan at mahasa ang mga talento ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng kalayaan sa kanila na hanapin at tuklasin ito ng mag-isa. Ang paguudyok sa kanila na sumali sa iba't ibang aktibidad ay isang magandang opurtunidad upang mas malaman nila ang kanilang mga hilig. Maliban sa paghasa ng kanilang pagkamalikhain, ang mga aktibidad na ito ay mas makakatulong upang malaman ang buong potensiyal nila.

Habang bata pa sila, ang pagbibigay kalayaan upang matuklasan ang mga talento nila ay makakatulong upang malinang ang kasanayang taglay nila. Bilang mga magulang, tayo ang numero unong suportang kailangan nila.

Upang mas malinang ang talento ng ating mga anak,  ang PROMIL® Four i-Shine® Talent Camp 6, isang benyu para sa mga bata upang makapaglaro at matuto, ay patuloy na tumutulong sa mga sumusunod na henerasyon na matuklasan at malinang ang mga talento nila sa larangan ng sining, pag-iinhinyero, pagsayaw at musika.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang brand manager ng PROMIL Four na si Yvette Villegas ay sinabi na ang i-Shine® Talent Camp 6 ay mas masaya at may mga bagong matututunan para sa mga magulang at kanilang mga anak.

"Nasasabik kaming tuluyan nang buksan ang kapanapanabik na PROMIL Four i-Shine Talent Camp 6, kung saan muli nating makikita ang mga kahanag-hangang talento ng mga batang kasali," dagdag ni Villegas. "Ngayong taon ay ibabalik namin ang mga camp masters na tutulong na mahubog at bigyang inspirasyon ang mga talento nila."

Ngayon, ang PROMIL Four i-Shine® Talent Camp 6 ay magkakaroon ng apat na iba't ibang worksyap, Musika, Pagsayaw, Sining, at Pag-iinhinyero. Babalik si Maestro Ryan Cayabyab bilang camp master sa worksyap sa musika, si Teacher Georcelle Sy naman ng G-Force Dance School ang sa worksyap ng pagsasayaw, si Teacher Robert Alejandro at ang kanyang grupo mula sa Papemelroti para sa worksyap sa sining, at si Teacher Lei Sta. Maria of Engineering for Kids naman para sa mga bagong worksyap na tututok sa pagiging inhinyero.

Ang PROMIL Four i-Shine Talent Camp 6 ay mula April 2 hanggang May 3, 2018. Ito ay gaganapin sa iba't ibang lokasyon sa Maynila at magtatapos sa isang recital sa May 11, 2018 kung saan magtatanghal ang mga bata.

Bibisita din sa ibang mga lungsod sa pamamagatin ng roadshow sa Luzon, Visayas at Mindanao ang PROMIL Four i-Shine Talent Camp 6 upang mabigyang pagkakataon ang mga bata sa labas ng Maynila na maranasan ang mga worksyap.

Ang PROMIL Four i-Shine Talent Camp 6 ay tumatanggap na ng mga mag-eenrol. Para makapag-enrol, kailangan bumili ang magulang ng kahit anong PROMIL Gold Four or PROMIL Four variants na may karagdagang discount sa kahit anong workyapna mapipili ng bata. Maaari ring makapagrehistro online sa pamamagitan ng PROMIL® Four i-Shine Talent Camp 6 website.

Simula noong umpisa pa lang, ang PROMIL Four i-Shine Talent Camp ay nakatulong na sa pagtuklas at paglinang sa mga talento ng kabataang Pilipino kasama ang kanilang mga magulang. Ito ay pinangunahan ng PROMIL® Four, isang tatak ng gatas na ginawa para sa mga batang edad tatlo pataas. Ito lang din ang nag-iisang  tatak ng gatas na may NUTRISSENTIALS®—kombinasyon ng natatangi at mahahalagang nutrients na tumutulong sa mental at pisikal na paglaki ng bata at mas malinang ang talento nila, kasama ang balanseng diet at malusog na katawan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa PROMIL Four i-Shine Talent Camp 6, pumunta sa www.ishine.ph. Maaari ding mag log in sa www.wyeth.com.ph para sa impormasyon tungkol sa PROMIL® Four.