chess copy

SUSULONG na ang sa pinakamalaking torneo sa taong ito ang 2018 Artillery Foundation of the Philippines, Inc. (AFPI) at Rotary Club of Nuvali (RCN) National Rapid Chess Team Championship sa Marso 4 sa Activity Center, Pavillion Mall, Biñan City, Laguna.

Sisimulan ang first round pagkatapos ng opening ceremony na magsisimula sa ganap na 9:30 a.m kung saan si Artillery Foundation of the Philippines, Inc (AFPI) President retired Gen. Pedro Biasbas ang mangunguna sa traditional ceremonial move kasama sina Rotary Club of Nuvali (RCN) President Edith Garces, Philippine Executive Chess Association (PECA) Press Relation Officer Dr. Alfredo “Fred” Paez at Grandmaster Jayson Gonzales.

“We are very excited to host a couple of big events in chess at the same time,” sabi ni Philippine Executive Chess Association (PECA) Press Relation Officer Dr. Alfredo “Fred” Paez.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“This event gives the future of Philippine chess a chance to see our best players in action.” ani Dr. Paez, top honcho ng Jolly Smile Dental Clinic.

Suportado ni Cabuyao City Mayor Rommel Gecolea kung saan ang Cabuyao City - Team A ay inaasahan magtatangka sa kampeonato kasama na ang P30,000 top prize trophy at medals sa pagbabandera nina Vince Angelo Medina, Henry Boroc at engineer Roy Manaloto.

Ang iba pang fancied teams ay rerendahan naman nina Apollo Agapay, Vicente Vargas III at Keiffer Pelias para sa Cabuyao City - Team B; Alexandra Sydney Paez, Reign Oryza Repato at Charmaine Manga para sa Cabuyao City Juniors Girls; Ruther Barredo, Norsh Daniel Lopez at Lightus Daleon para sa Cabuyao City Juniors Boy.

Tampok naman sina Spencer Real, Richie Jocson at Bren Sasot bilang pambato ng Calamba City habang aasa naman ang Maravril Enterprise kina National Master Julius Sinangote, Luffe Magdalaga at Arnel Penero.

Hindi din nagpahuli si sportsman Laurence “Larry” Dumadag na may inihandang dalawang koponan. Magseselyu sa Team Dumadag Uno ay sina Michael Aguilar, Marc Paraguya at Israel Landicho habang ilalaban naman ng Team Dumadag Dos ay sina Fide Master David Elorta, Givy Bartolome at Aljun Sytangco.

Kalahok din sina Alexis Enage, Jerald Negrosa at PJ Mateo bilang kinatawan ng Team SGOC habang ang Arabella sqauad ay sina Gary Garcia, Virgilio Tuazon at Novo Tuazon.

sa detalye ay mag call o text kina GM Jayson Gonzales Mobile: (0925) 895-2308, Dr. Alfredo “Fred” Paez, Telephone: (049) 5308175, Mobile: (0921) 272-8172 at Mr. Richie Jocson Mobile : (0916) 830-5468.