Ni Annie Abad

TULUY na ang pagtatanghal ng Batang Pinoy Mindanao Leg sa Oroqietta City, Misamis Occidental sa Marso 6 hanggang 12.

Napilitan ang Philippine sports commission (PSC) na ipagpaliban muna ang pagtatanghal ng Batang Pinoy noong Disyembre sa Mindanao, bunsod ng naganap na gyera noon sa Marawi.

Ngunit siniguro na ngayon ni PSC commissioner Celia Kiram na tuluy na tuloy na ang nasabing kompetisyon ng mga kabataang atleta, gayung payapa na umano sa Mindanao.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Finally, the Batang Pinoy Mindanao leg will push through in the province of Misamis Occidental in Oroqietta. It was postponed due to the Marawi siege. but with the situation now in Mindanao as we went around, it is now peaceful and we have decided to push through with the Mindanao leg,” pahayag ni Kiram.

Kabuuang 4000 atleta at coaches ang mapapabilang sa nasabing Batang Pinoy leg, na magmumula sa 71 local Government Units ng Mindanao na magtatangkang sumungkit sa kabuuang 1,074 medalya na nakataya.

Kabilang sa mga sports events na nakatakdang paglabanan dito ay ang archery, badminton, boxing, karatedo, sepak takraw, table tennis, arnis, baseball, chess, lawn tennis, softball, taekwondo, athletics, basketball, dancesport, pencak silat, swimming, volleyball kasama ang beach volley.

Dadaluhan ng mismong Governor ng Misamis Occidental na si Herminia Ramiro ang opening ceremony kasama ng mismong PSC Board.