Ni Gilbert Espeña

ISA na namang walang talong Pilipino ang magkakampanya sa United States sa katauhan ni dating WBF International bantamweight champion Mike Plania na hahamunin ang Amerikanong si WBO Latino bantamweight titlist Daniel Lozano sa Marso 16, 2018 sa A La Carte Event Pavilion sa Tampa, Florida.

Kababayan ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa General Santos City, South Cotabato, may rekord si Plania na perpektong 14 na panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts at umaasang magwawagi kay Lozano para makapasok sa world rankings.

Nakabase ngayon si Plania sa Miami, Florida kung saan siya nagsasanay kasama ang mga ka-stable na Pilipino sa Sanmang Promotions ng pag-aari ng taga-Gen San sin na si Jean Claude Manangquil.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Natamo ni Lozano ang bakanteng WBO Latino bantamweight title nang talunin sa puntos si one-time world title challenger Ricardo Rodriguez ng Mexico noong Oktubre 13, 2017 sa A La Carte Event Pavilion sa Tampa, Florida.

Bago ito, tinalo ni Lozano via 2nd round knockout si three-time world title challenger David Carmona na isa ring Mexican noong Hulyo 28, 2017 sa Kissimmee Civic Center, Kissimmee, Florida para maiuwi ang bakanteng WBO NABO super bantamweight belt.

May rekord si Lozano na 15-4-0 na may 11 pagwawagi sa knockouts at kasalukuyang No. 2 contender kay WBO bantamweight champion Zolani Tete ng South Africa kaya malaki ang mawawala sa kanya kung tatalunin ni Plania.