Ni PNA
NAGSAGAWA ang mga estudyante ng Ilocos Norte Agricultural College (INAC) sa isang barangay sa San Isidro sa bayan ng Pasuquin ng kakaibang trade fair, kung saan ipinakita nila ang kanilang mahahalagang tagumpay sa halip na magsagawa ng junior-senior (JS) prom.
Sa ilalim ng lilim ng mga puno sa loob ng paaralan, nakahilera ang mga exhibit booth.
Ibinida ng mga estudyante ng Grade 7, mula sa kanilang Special Agri-Science Class, ang kanilang portable hydroponics project, gamit ang mga ni-recycle na plastic na galon, basong Styrofoam, at pinagkiskisan ng palay.
Gamit ang snap solution, ipinaliwanag ng 14 taong gulang na si Edward Pilar na madaling ilagay ang hydroponics technique sa halaman na maaaring itanim at palakihin sa paso.
“This is our school project and we can make use of it too in our homes. In a few days, we will start harvesting our own pechay,” nakangiting sabi ni Pilar sa diyalektong Ilokano.
Bida rin sa Food Technology booth ang mga ibinebenta ng mga estudyante, gaya ng mga fruit candy, cookies, cake, papaya pickles, calamansi jelly, leche flan, patis, at iba pa.
Inilahad ni Amanda Domingsil na natutuwa silang magluto at ibenta ang kanilang sariling produkto sa kapwa nila estudyante at mga guro.
Habang pinapanood ang mga estudyanteng ibenta ang kanilang sariling mga produkto, kabilang ang tinapay, pagkain at inumin, mga halaman, prutas at gulay, electronics, kasangkapan sa bahay, livestock at mga manok, at iba pa, pinalakpakan at pinuri ni Department of Education Superintendent Vilma Eda ang mga estudyante ng INAC para sa pag-oorganisa ng trade fair, sa halip na maghanda ng JS prom, na pinagkakaabalahan ng halos lahat ng paaralan sa bansa sa mga ganitong panahon.
“I’m so glad that instead of holding a JS Prom, they conducted a trade fair. If we want our students to be economically stable in the future and responsible, we should develop the children like what INAC is doing,” lahad ni Eda said at umaasa siyang susundan ng ibang mga paaralan ang trade fair ng INAC.
“The trade fair is something that students can benefit as well as the community because they are showcasing how skillful they are, what they can do to help themselves and how they can help the community,” pagpapaliwanag ni Eda.
Ang isang linggong selebrasyon ng 73rd Foundation Anniversary ng INAC ay nagsimula noong Pebrero 26 at magtatapos bukas, Marso 2.