Ni REGGEE BONOAN

HINDI pa rin tapos ang birthday celebrations ni Kris Aquino dahil patuloy siyang nakakatanggap ng mga regalo na ipino-post niya sa social media para pasalamatan ang mga kaibigang nakakaalala sa kanya.

Kris copy copy

Tulad ng mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga-Soriano na pinadalhan siya nitong Martes ng isang basket ng pink roses na tantiya namin ay umaabot sa tatlong dosena.

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

Post ni Kris, “I got home from a pre-lunch event for @ultherapyph & saw this huge & beautiful arrangement of my favorite pink roses from @celestinegonzaga & Direk @paulsoriano1017. Thank you to my inaanaks for the thoughtfulness! February 27 & I’m still receiving heartwarming birthday surprises. #grateful.”

May post-birthday gift din ang isa pang inaanak ni Kris na si San Juan Vice Mayor Janella Ejercito, anak nina ex-Senator Jinggoy Estrada at Precy Ejercito.

Pasasalamat ni Kris, “And the birthday surprises continue arriving this is super cute! Each bottle of personalized pink Kris candy is labeled with my signature logo. Thank you for the thoughtfulness, my inaanak San Juan Vice Mayor @jelejercitoestrada.”

Sinagot agad si Kris ni Janella ng, “You’re welcome, Ninang! Love you.”

At sa nalalapit na muling pagtakbo sa election ni Vice Mayor Janella sa San Juan City, nagpauna na kaagad ng suporta ang ninang niya, “@jelejercitoestrada count on me to stand w/ you in 2019.”

Pinasalamatan ng Mommy Precy ni Janella si Kris, “Thank you, mare.”

Samantala, may follower si Kris na nagtanong, nagtanong, “@lopezging, Di ba napakulong ni PNoy (Presidente Noynoy Aquino) ang tatay n’ya (Senator Jinggoy Estrada) dahil sa plunder walang problema dun?”

Agad itong sinagot ng Queen of Online World and Social Media ng, “@lopezging Ms Lopez -- that is why I hold my pareng Jinggoy & his family in affection. Hindi nila ko ever pinersonal. I am Vice Mayor @jelejercitoestrada’s Baptismal ninang. Jel & her mom Precy & I keep in touch. Please respect our choice to maintain our friendship.”

Kaagad namang bumawi si Ms Lopez, “Okay Ms Kris, na-curious lang ako.”

Galing naman kay @welliewee, “Wow super nice! I was amazed how you separate politics from your personal life with the Ejercitos Ms. @krisaquino. You are an exemplar for others in the same boat as your family.”

At ang maganda kay Kris maski hindi si PNoy nagpakulong kay ex-Senator Jinggoy ay hindi niya kinorek ang nagsabi.

Pero ipinagtanggol pa rin siya ng isa pang follower niyang si @shennie_lucci, “@lopezging NOPE -- it’s the Ombudsman (nagpakulong kay Jinggoy) my dear. The office of the Ombudsman is an independent body created by the constitution not under any of the 3 branches of the government and has its own mandate. The role and functions is defined under ‘The Ombudsman Act of 1989’. Kaya wala sa 3 branches of government ang puwedeng hawakan sa leeg ang Ombudsman not even PNOY nor Duterte.”

Nang mapasalamatan ang mga nagpadala ng regalo at sagutin ang mga tanong ns dapat sagutin ay nag-goodnight na si Kris bandang 11PM.

“As a mom, I’m close enough to my 2 that I can honestly tell them when I need the reassurance of being squished in the middle between them so that I can get a good night’s rest because I’m enveloped in their love. 

“Honestly -- last week from Tuesday to Sunday, it was will power & the desire to do my job well that kept me going.

Bimb & I both promised to turn off our gadgets at 10 PM, Kuya had a full day including swim class so he’s already peacefully snoring. Good night from the 3 Aquinos.”