Ni Gilbert Espeña

MULINg nagbalik sa aksiyon si dating WBC at Ring Magazine flyweight champion Sonny Boy Jaro at pinatulog sa 2nd round ang beteranong si Dondon Navarez sa bantamweight bout nitong Pebrero 25 sa Barangay Kiwalan, Iligan City sa Lanao del Norte.

Tumanyag si Jaro nang ma-upset noong Marso 22, 2012 si Thai boxing legend Pongsaklek Wongjongkam na apat na beses niyang pinabagsak bago itinigil ni Japanese referee Yuji Fukuchi ang sagupaan sa 6th round sa Chonburi, Thailand.

Ngunit, sa unang depensa ng kanyang mga titulo, natalo siya sa kontrobersiyal na 12-round split decision ng Hapones na si Tokishuki Igarashi noong Hulyo 16, 2012 sa Wingchat, Kasukabe, Saitama, Japan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagtala ng siyam na sunod-sunod na panalo si Jaro sa super flyweight division, anim sa knockouts kaya nakabalik sa world rankings pero na-upset noong Mayo 7, 2017 sa 8th round knockout ni Jonas Sultan sa sagupaan para sa IBF Inter-Continental super flyweight title sa Angono Sports Complex, Angono, Rizal.

May rekord ang 36-anyos na si Jaro na 44-14-5 na may 31 pagwawagi sa knockouts at umaasang mapapalaban sa susunod sa isang world rated boxer.