Ni Marivic Awitan

Mga Laro sa Sabado

(Mall of Asia Arena)

8:00 n.u. -- UST vs FEU (Men)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

10:00 n.u. -- DLSU vs Ateneo (Men)

2:00 n.h. -- UST vs FEU (Women)

4:00 n.h. -- DLSU vs Ateneo (Women)

NANAIG ang league’s best offensive team kontra sa league’s best defensive team nang tapusin ng National University ang winning streak ng dating solong lider Far Eastern University, 22-25, 25-20, 25-16, 25-17 kahapon sa men’s division ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Pinangunahan ni Bryan Bagunas ang ikalimang panalo sa anim na laro ng NU sa naiskor na 22 puntos , tampok ang 19 attack kasunod si James Natividad na tumapos na may 15 puntos bukod pa sa 18 excellent receptions.

Mistulang sinukat lamang at pinag-aralan ng Bulldogs ang galaw ng Tamaraws sa first set bago winalis ang sumunod na tatlong sets upang makalikha ng three-way tie sa pangingibabaw ng standings kasalo ng kanilang biktima at ng defending champion Ateneo.

Ipinakita ng Bulldogs ang kahusayan nang magpaulan ng 56 hits kumpara sa 42 ng Tamaraws habang nagdomina din sa digs matapos magtala ng 39 excellent digs kumpara sa 19 lamang ng karibal.

Sa naunang laro, ginapi ng University of the Philippines ang University of Sto.Tomas sa loob ng limang sets 25-22, 19-25, 21-25, 25-19, 15-12.

Pinangunahan ni John Mark Millette ang Maroons na umangat sa markang 2-4, sa ipinosteng 18 puntos kasunod sina Wendel Miguel atGian San Pascual na kapwa may 16 markers..

Nanguna naman sa UST na bumagsak sa patas na barahang 3-3, si Joshua Umandal at Jayvee Sumagaysay na may 18 at 16 puntos ayon sa pagkakasunod.