Ni NORA CALDERON

MAGKASINTAHAN sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, pero wala pa sa usapan nila ang pagpapakasal dahil inuuna muna nila ang kanilang trabaho at investments. Balak nilang magsosyo sa negosyo.

DENNIS copy copy

Airing ngayon ang series ni Dennis na The One That Got Away (TOTGA) samantalang si Jen naman ay nagsimula nang mag-taping ng The Cure with Mark Herras at Tom Rodriguez, sa direksyon ni Mark Reyes.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Biniro namin si Dennis nang mainterbyu namin sa set ng TOTGA sa Baliwag, Bulacan kung ano ang secret na pagiging guwapo at young looking pa rin siya?

“Maingat lang po ako sa pagkain, although hindi naman ako nagda-diet,” sagot ng aktor. “Madalas delivery lang ng mga healthy food ang inoorder ko dahil nakapipili ako ng gusto kong kainin. Iyong mga food lang na bagay kay Liam, iyong character ko sa romantic-comedy namin, ang kinakain ko. At twice a week lamang ako nagwu-workout.

“Pero challenge po sa akin ang role ni Liam na may relasyon sa tatlong ex-girlftiends niya, sina Alex (Lovi Poe), Darcy (Max Collins) at Zoe (Rhian Ramos). Malayo kasi ang character ko kay Liam, kaya I’m trying to be like him, kahit man lamang sa serye. I’m just enjoying the character of Liam plus ang makasama ang tatlo kong mahuhusay na leading ladies. Kaya lang hindi ko pa alam kung sino ba sa kanilang tatlo sa final episode.”

Tuwing weekend ay nasa kanya ang 10-year old son niyang si Calix. Very close silang mag-ama at kung wala siyang work ay siya ang naghahatid-sundo sa anak sa Xavier School. Masarap sa pakiramdam na kapag nasa kanya raw ang anak at may taping siya, kahit anong oras siya umuwi ay si Calix ang nagbubukas ng pinto, hindi natutulog hanggang hindi siya umuuwi.

Nagmana ba sa kanya si Calix?

“Nakakatuwa po kasi nagi-excel siya sa theater arts, mahilig po siya sa arts, pareho kami ng pag-uugali, may pagka-naughty rin siya. Kaya kung minsan na may ginawa siya, kinakausap at ini-explain ko sa kanya na mali iyon, hindi ko siya bini-baby, hindi ko basta ibinibigay ang gusto niya. Kapag nag-excel siya sa school, may premyo siya. Mahilig kaming manood ng sine, nagdya-jamming kami sa pagtugtog ng drums. Sinasamahan ko siya kung may school camping siya.

Wala siyang cellphone, meron lang siyang tablet na gamit niya sa school, he’s Grade V na.”

Bukod sa taping ng TOTGA ay may pinaghahandaan siyang pelikula na binabalak isali sa Metro Manila Film Festival sa December. Matagal na niya itong gustong at ngayon lang matutuloy.

Missed na rin ni Dennis ang paggawa ng project na katambal si Jennylyn. Kung may pagkakataon, gusto niyang gumawa sila ng horror film or serye.

Napapanood gabi-gabi ang The One That Got Away after Kambal Karibal.