Ni Martin A. Sadongdong

Nagsasagawa ngayon ang Philippine National Police (PNP) ng imbestigasyon hinggil sa mga pulitikong iniuugnay sa New People’s Army (NPA).

Binalaan ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang mga pulitiko na kaalyado ng mga rebeldeng grupo na ihanda ang kanilang sarili dahil tutugisin niya ang mga ito.

“We are already conducting a case build-up. Whether you are a mayor, a vice-mayor or congressman, you just wait for our investigation to be finished and you will be exposed. I will come after you,” ani dela Rosa.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Ang tahasang pahayag na ito ng PNP chief ay kasunod ng pagkakaaresto sa hinihinalang lider ng NPA na idinadawit sa serye ng kidnap-for-ransom (KFR).

Si Donat Jacob, alyas “Jonas” at “Dondon Diego”, ay sinasabing lider ng NPA-Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) na kumikilos sa Bulacan.

Nadakip si Jacob ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG) sa Obando sa Bulacan nitong Pebrero 24.

Ayon kay dela Rosa, si Jacob ang umano’y kolektor ng NPA-SYP para kikilan ang mga binibiktimang pulitiko, may-ari ng fishpond at quarry operators sa Bulacan. 

Ibinunyag pa ng PNP chief, na ang ilang pulitiko, partikular sa mga munisipalidad ng Angat at Doña Remedios Trinidad (DRT), ay nagsilbi rin umanong “advisers” sa grupo ni Jacob.

“They really has the support of some politicians and by now, those crooked men already know that they are in deep trouble because we arrested [Jacob],” ani dela Rosa.

“You (politicians) have the guts to involve yourself in kidnapping? Just wait for me,” banta ng PNP chief.

Tiwala si dela Rosa na ginagamit ng NPA ang mga pulitiko para maghari-harian kundi man ay alisin ang kanilang kalaban sa pulitika.

Tumanggi naman ang PNP chief na pangalanan ang nasabing mga pulitiko.