Ni Agence France-Presse

Hindi ito ang unang beses na nalubog sa yelo ang Europa nitong mga nakaraan na taon habang ang Arctic naman ay nakaranas ng mataas na temperatura, na nag-iwan sa mga siyentipiko na isiping isa sa dahilan ang global warming kaya nagkakaroon ng pagbabago sa panahon ngayong winter.

Ang pagbabago ng panahon ay mas naging malala.

Ang hanging Amihan mula sa Siberia ay nagpakalat ng sub-zero na temperatura sa kabuuan ng Europa, binabalot ang mga katimugang lungsod at mga Mediterranean beaches ng nyebe.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Samantala, noong Linggo, ang temperatura sa North Pole na hindi pa dadalawin ng sikat ng araw hanggang sa Marso ay biglang tumaas.

“Ang temperatura ay 30 C (54 degrees Fahrenheit) na hindi pangkaraniwan,” tweet ni Robert Rhonde, ang punong siyentipiko sa Berkeley Earth sa Washington.

Sa Longyearbyen weather station sa isla ng Svalbard sa Arctic Ocean, ang temperatura ay 10 C na mas mataas sa karaniwan sa loob ng 30 araw ayon kay Zack Labe, isang climate modeller sa University of California Irvine.

Nang panahon ding iyon, maliit na lugar lamang ang nasasakop ng nagyeyelong dagat sa panahon ng taglamig na nakatala mahigit kalahating siglo na.

Sa isang rehiyon sa may Svalbard, ang nasasakop lamang ng yelo sa dagat ay 205,727 kilometro kuwadrado. Noong Lunes ay kalahati lamang sa karaniwan para sa taong 1981-2010, ulat ng Norway Ice Service.

“Positibong mga resulta ng temperatura malapit sa North Pole noong taglamig ay inakalang nangyari sa pagitan ng taglamig ng 1980 at 2010,” sabi ni Robert Graham, isang climate scientist sa Norwegian Polar Institute, sa AFP.

Ngayon ay nangyari na daw ito sa apat sa limang taglamig.”

Ang mabilis na pagtaas ng temperaturang ito, ayon sa mga eksperto, ay nagtuturo sa climate change, na sa parehong panahon ay nagpainit sa Arctic na mas mabilis ng dalawang beses kumpara sa karaniwang temperatura ng buong mundo.

-Baguhin ang mundo-

May bakas na baka ang pagkatunaw ng mga yelo sa Arctic at paglubog sa yelo ng Europa ay iisa ang dahilan.

Ang daluyong ng banayad na panahon sa North Pole at ng hanging Amihan sa Europa ay direktang magkadugtong,” sinabi sa AFP ni Etienne Kapikan, siyentipiko sa Meteo France, ang national weather service.

“Gaano na kaya kainit sa Arctic ngayon?” tweet ni Peter Gleick, ang president emeritus ng Pacific Institute at miyembro ng US National Academy of Science.

“Pinakamainit na naitala sa panahon ng taglamig. Climate change na mula at gawa ng tao ay nag-uumpisa nang baguhin ang ating mundo ng paunti-unti.”

Ang deklarasyon ni Gleick ay hindi na pinagtatalunan pa pero ang pagkakaugnay sa pagitan ng “mainit na Arctic, malamig na kontinente” na hindi karaniwang nangyayari at ang global warming ay kailangan pang mas mapatunayan, ani ng ibang siyentipiko.

Kapag ang koneksyon sa global warming ay mananatiling isang teorya lamang, ang sinusunod na patakaran ng mga siyentipiko na tinatawag nilang, “sudden stratospheric warning,” ang dahilan sa kakaibang nangyayari sa panahon ay mas maiintindihan.

Malalakas na hangin sa stratosphere na nakapalibot sa kanluran hanggang sa silangan ng Arctic na mga 30 kilometro ang layo mula sa ibabaw ng mundo. Ito ay ang polar vortex.

Kung minsan, ang vortex ay dahan-dahang umiinit at humihina na may kasamang mabagal na ihip ng hangin at bumibilis din, paliwanag ni Marlene Kretschmer, isang climate scientist sa Potsdan Institute for Climate Impact Research.

-Ang inklinasyon ng paglamig-

“Kapag nangyari ito, makakaapekto ito sa jet stream kung saan ang nabubuo ang panahon,” sabi niya sa AFP. “Iyan ang nangyayari ngayon.”

Ang malamig na hangin ng Arctic na kadalasan ay nasa polar vortex lamang ay nasira, na dahilan sa hanging Amihan ng Siberia na bumalot sa Europa.

Sa huling dalawang dekada, ang pagkasira ng vortex ay mas lumala.

“Sa kabuuan, ang global warming ay malinaw na nangyayari,” sabi ni Kretschmer. Ang karaniwang temperatura ng mundo ay tumaas ng 1 C simula noong ika-19 siglo, sapat na upang pakawalang ang matinding tagtuyot, init at bagyo na may pagtaas ng tubig dagat.

“Kung titingnan ang temperatura noong taglamig ng 1900, makikita ang unti-unting paglamig sa hilagang Eurasia.”

Hanggang ngayon, nananatili pa rin ang tanong: Ano ang nagiging dahilan sa pagbabago sa tindi at haba ng biglaang pag-init ng stratosphere?

Isang teorya na nagsasabi na ang dagat na bagong tunaw lamang ang yelo na sumisipsip o kumukuha ng sinag ng araw sa halip ng pagtalbog lamang at binabato pabalik sa kalawakan na parang nyebe, ang nagpapakawala ng init sa hangin na kalaunan ay sumisira sa stratosphere.

“Mahirap sabihin na ang isa sa mga nagaganap na pagbabago sa panahon ay nakaugnay sa global warming,” sabi ni Kretschmer.

“Pero marami ng pag-aaral na nagmumungkahi tungkol dito, mainit na Arctic, malamig na kontinente, na maaaring ugnay sa climate change.”

“Ito ang sigurado, maraming ebidensiya ang nagsasabi na ang mga pagbabago sa Arctic ay makakaapekto sa ating panahon,” dagdag niya.