Ni Annie Abad

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas na pagtutunan ng kanyang administrasyon ang Intra-NSA leadership dispute upang matuldukan ang matagal nang pagkakahati-hati ng mga miyembro ng Olympic body.

“We make sure na magtatrabaho ang iba’t ibang committee ng POC tulad ng

grievance committee, artbitration committee, ethics committee at iba pa.Kailangan maresolve ‘yung mga hinaing at problema sa mga NSA na nagulo,” sambit ni Vargas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Malugod namang tinaggap ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez ang pahayag ng bagong POC Chief na aniya’y malaki ang maitutulong para matuldukan na rin ang problema sa liquidation ng mga NSAs.

Sinabi ni Ramirez na masaya siya sa pagkakahalal ni Vargas bilang bagong prsidente ng POC at ngayon pa lamang ay napag usapan na nila ang ilang proyekto na gagawin ng PSC at POC para sa mga atleta at sa ikakatatagumpay ng Philippine sports.

“We welcome the new administration of the POC. We are looking forward to a new direction for the Philippine sports,” pahayag ni Ramirez. “We have discussed a lot of partnerships,” aniya.

Ayon kay Vargas, masaya siya dahil pareho sila ng layunin ng PSC, ang mapabuti ang mga atleta at ng sports sa kabuuan.

“Happy to be here. We have the same mind. We have the same goal for Philippine Sports. It’s a long term partnership.

i have a lot of respect for Chairman ramirez,” ayon kay Vargas.

Bukod dito, ilang pribadong sektor na rin umano ang nagpahayag ng kan ilang suporta sa bagong pamunuan ng POC, gaya ng Lamoyan Corporation sa pangunguna ni Cecilio Pedro, Ang San Miguel Corporation, Ayala group of companies at iba pa.

Una nang nagbigay ng suporta si PLDT boss Manny Pangilinan sa POC kung saan nagbigay ito ng kabuuang P20 milyong piso bilang seed money ng kumite.