Ni Marivic Awitan
Mga Laro sa Miyerkules
(FilOil Flying V Center)
8 a.m. UP vs. UST (M)
10 a.m. NU vs. FEU (M)
2 p.m. UP vs. UST (W)
4 p.m . NU vs. FEU (W)
MAPATIBAY ang kapit sa liderato ang tatangkain ng National University sa pagsagupa sa Far Eastern University sa tampok na laro ngayong hapon sa UAAP volleyball sa FilOil Flying V Cente sa San Juan City.
Huling ginapi ng Lady Bulldogs ang University of Santo Tomas Tigresses sa loob ng apat na sets para sa ika-apat na sunod nilang panalo.
Galing naman ang Lady Tamaraws sa ikatlong panalo kontra winless University of the East noong nakaraang Sabado na nag -angat sa kanila sa markang 3-2.
Dahil dito, inaasahang dikdikang laban ang matutunghayan sa pagitan ng dalawang koponan ngayong 4:00 ng hapon pagkatapos ng unang laban sa pagitan ng University of the Philippines at ng University of Santo Tomas ganap na 2:00 ng hapon.
Bagama’t dalawang laro na lamang ang nalalabi bago nila tuluyang mawalis ang first round, gusto ni Lady Bulldogs coach Babes Castillo na makasiguro.
Kapwa galing naman sa kabiguan, mag-uunahang makabalik sa win column ang Maroons at ang Tigresses.
Sa men’s division, ika-6 na sunod ding panalo ang target ng namumumo at undefeated ding FEU Tamaraws.
Ngunit, siguradong dadaan sila sa butas ng karayom sa pagsagupa nila kontra perrenial finalist NU Bulldogs na hangad namang makasalo sa ikalawang puwesto sa defending champion Ateneo.