Ni Leandro Alborote

SANTA IGNACIA, Tarlac - Pitong katao ang duguang isinugod sa Gilberto Teodoro Memorial Hospital makaraang mahulog ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa malalim na irrigation canal sa Romulo Highway, Barangay Baldios, Santa Ignacia, Tarlac, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Marivic Montaño, 37, ng Bgy. San Nicolas, Tarlac City; Jesus Nieves, 63, teacher, ng Bgy. David, San Jose; Josalyn Baltazar, 27; Princess Jewel Bacnis, 16; Nicole Baltazar, 8, ng Bgy. Vargas, Santa Ignacia; Irene Manuel, 31; at Rainechard Manuel, 3, ng Bgy. Calayaan, Gerona, Tarlac.

Dakong 4:40 ng hapon at patungo ang jeepney, na minamaneho ni Ricardo Facun, 57, may asawa, ng Bgy. Santa Ines Centro, Santa Ignacia, sa Tarlac City nang um-overtake umano ito sa isang behikulo ngunit nawalan ng kontrol hanggang sa bumulusok sa malalim na irrigation canal.

Probinsya

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek