Ni Gilbert Espeña

TINALO ni WBO No. 3 super bantamweight champion Juan Miguel Elorde si dating interim PABA bantamweight champion Likit Chane ng Thailand para mapanatili ang WBO Asia Pacific super bantamweight title nitong Linggo sa Elorde Sports Complex sa Paranaque City.

Pinaglaruan lamang sa loob ng 10 rounds ng 31-anyos na si Elorde ang mas batang si Chane, 26, tungo sa kumbinsidong panalo para mapaganda ang kanyang kartada sa 25 panalo, 1 talo na may 13 pagwawagi sa knockouts.

Noong 2016 natamo ni Chame ang kanyang interim PABA title nang talunin si Indonesian George Lumoly via 4th round TKO at naipagtanggol niya ito kina Indonesia Rio Nainggolan at Khusanboy Andullaev ng Uzbekistan bago umakyat ng timbang para hamunin si Elorde.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord ngayon si Chane na 16 panalo, 5 talo na may 10 pagwawagi sa knockouts at umaasang mabibigyan ng rematch ni Elorde.

Kasalukuyang pangatlong contender si Elorde kay WBO super bantamweight champion Jessie Magdeno ng United Kingdom kasunod nina interim WBO super bantamweight champion Isaac Dogboe ng Ghana, walang talong si NABF at WBO NABO junior featherweight champion Diego dela Hoya ng Mexico at kababayang si dating WBO bantamweight champion Marlon Tapales.