Ni Jel Santos

Upang pagaanin ang lumalalang trapiko sa metropolis, inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na binuksan na sa mga motorista ang Bank Drive sa Ortigas Center sa Pasig City.

Ayon kay Traffic Engineering Center (TEC) ng MMDA, maaari nang tahakin ng mga dumadaan sa EDSA papuntang Ortigas ang Bank Drive (kalsada sa pagitan ng Asian Development Bank at SM Megamall) simula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga, araw-araw. 

Dadaan ang mga motoristang patungong Ortigas sa Guadix Drive, ayon sa MMDA.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Guadix Road is an identified chokepoint. With this road opening, we can somehow ease traffic in the busy area,” sabi ni Jose Arturo ‘Jojo’ Garcia, MMDA OIC general manager. 

Layunin ng pagbubukas ng kalsada na bawasan ang pagbibigat ng trapiko sa EDSA-Ortigas area tuwing rush hour sa umaga.

Una rito, inihayag ng MMDA sa batay sa comparative analysis sa simulation, ang oras ng biyahe sa EDSA northbound service road sa Ortigas Avenue, at Megamall patungong Meralco Avenue ay bumaba ng 19 na porsoyento. Mula sa pitong minuto at 41 segundo, ang katamtamang oras ng biyahe sa mga nasabing ruta ay nabawasan ng anim na minuto at pitong segundo.