import copy

Ni Ernest Hernandez

MAGANDANG balita para sa Barangay Kings.

Magbabalik-askiyon sina Justin Brownlee, Vernon Macklin, at Arinze Onuaku bilang import sa 2018 PBA Commissioners Cup, ayon sa kanilang agent na si Sheryl Reyes.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa height limit na 6-foot10, inaasahang mapapalaban ng husto ang Barangay Ginebra resident import na si Justin Brownlee. Kasalukuyang naglalaro si Brownlee sa San Miguel Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League (ABL).

“What’s up you guys? It’s official! I will be with Ginebra for the 2nd and 3rd conference. Very blessed! Thank you Coach Tim, Boss RSA, Boss Al- love you guys, thanks, I will see you guys on but for right now, I will be focusing on Alab,” sambit ni Brownlee sa video na ipinalabas ni Reyes.

Inaasahang magbibigay ng matinding laban sa dating Ginebra import ang bagitong si Vernon “V-Mack” Macklin na lalaro sa tropa ng Magnolia Hotshots.

“What’s up you guys? Magnolia Hotshots fans, yes, it is official. I have signed to you guys and I can’t wait to get out there and play for the club and I’m going to say thank you Coach Vic, Boss Al and Boss RSA,” sambit ni Reyes sa kanyang social media post.

Hindi naman pahuhuli si Arinze Onuaku nagbabalik laro para sa kapakanan ng Meralco Bolts.

Ayon kay Reyes, kaagad niyang ilalahad ang pangalan nang iba pang imports.