Ni Light A. Nolasco

GABALDON, Nueva Ecija - Hindi nakalusot ang umano’y dalawang hinihinalang carnapper makaraang malambat ng pinagsanib na puwersa ng Gabaldon Police at Provincial Mobile Force Company-Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) 2nd Platoon Base sa manhunt operation sa Sitio Mabaldog, Barangay Ligaya, Gabaldon, Nueva Ecija, nitong Lunes ng hapon.

Naaresto sina Ferdinand Barrientos y Magno, 28, binata, magsasaka; at Richard Dismaya, 32, kapwa residente ng Bgy. Calabasa, Gabaldon, na mapayapang sumuko nang isilbi ang arrest warrant para sa kasong carnapping.

Halagang P180,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng mga ito.
Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder