Ni Mary Ann Santiago

Dalawang kabataang Pinoy ang magiging kinatawan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) sa pre-Synod of Bishops on the Family gathering sa Roma sa Marso 19-24, 2018.

Ayon kay Fr. Cunegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-ECY, ipadadala nila sa Roma sina Gerald Rey Opiya, ng Palo, Leyte; at Alyana Therese Pangilinan, ng Bacolod, na magiging kinatawan ng bansa sa naturang pagtitipon.

“It is their understanding of who are our young people of today. And their situation in the community in the church in these days. We can still see this as very much marked of our Filipino youth that our Filipino youth are still religious and practicing the faith,” sinabi ni Garganta sa panayam ng Radio Veritas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Paliwanag ni Garganta, sina Opiya at Pangilinan ang magiging tinig ng kabataang Pinoy sa Roma para ipahayag ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa, at mga suliranin ng kabataang Pinoy sa kasalukuyang panahon.

“But that reality is being challenge with the culture that our young people are into at these modern times like the situation of the challenges of being millennials. The situation of being faced with the reality of moral issues especially to young people moral values,” aniya pa.

Nabatid na ang pagtitipon ay bilang paghahanda sa isasagawang Synod of Bishops on the Family sa Oktubre 2018.

Aabot sa 300 kabataan mula sa iba’t ibang bansa ang inanyayahan na dumalo sa pre-synod, na layuning pulsuhan ang mga ito hinggil sa nagaganap sa kasalukuyan, hindi lamang sa tungkol sa pananampalataya, kundi maging sa usaping panlipunan.