Ni Mary Ann Santiago

Bunsod ng kakaunting reserba ng kuryente, isinailalim kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang buong Luzon.

Ayon sa NGCP, nasa 9,971 megawatts lang ang available na kapasidad ng kuryente sa Luzon habang aabot sa 9,018 megawatts ang peak demand nito.

Ipinaliwanag ng NGCP na manipis ang reserba ng kuryente dahil sa hindi inaasahang shutdown ng ilang power plant.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa abiso ng Manila Electric Company (Meralco), ipinairal ang yellow alert sa Luzon grid simula 11:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, at mula 2:00 hanggang 4:00 ng hapon.

Kasabay nito, pinayuhan naman ng Meralco ang mga consumer na magtipid ng kuryente upang maiwasan ang pagkakaroon ng power interruption o brownout.

Ilan umano sa maaaring gawin upang makatipid sa konsumo ng kuryente ay ang iwasan ang pagbubukas-sara ng refrigerator, regular na linisin ang electric fan blades at air-con vents, at alisin sa saksakan ang mga appliances na hindi ginagamit.