Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center -San Juan)

4:00 m.h. -- NU vs Ateneo (Game 2-Juniors Finals)

MPBL cager Ken Segura, patay matapos tambangan at pagbabarilin

KUKUMPLETUHIN ng Ateneo de Manila University ang isa na namang makasaysayang kampanya sa target na walisin ang National University para sa championship ng UAAP Season 80 juniors basketball tournament ngayon sa FilOil Flying V sa San Juan.

Nakaamba ang pagdiriwang ng Blue Eaglets sa paglarga ng Game Two ng kanilang best-of-three finals ganap na 4:00 ng hapon.

Nakuha ng Ateneo ang 86-70 panalo sa Game One para sa ika-15 sunod nilang panalo ngayong season.

Muling aasahan ni coach Joe Silva upang pangunahan ang tangka nilang sweep sina Kai Sotto, Dave Ildefonso at SJ Belangel.

Sa finals series opener, tumapos ang 7-footer na si Sotto na may triple double na 22-puntos, 16-rebounds at 11 blocks.

Aasahan naman ni coach Goldwyn Monteverde na makaporma ang kanyang Bullpups sa pangunguna nina Terrence Fortea, Miguel Oczon at Rhyan Amsali.