Ni Fer Taboy at Francis Wakefield

Tatlo pang miyembro ng abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa pamahalaan sa Sulu nitong Sabado ng umaga, ayon sa Armed Forces of the Philippines(AFP).

Sinabi ni Real Adm. Rene Medina, Naval Forces Western Mindanao Command(NFWMC) commander, ang tatlo ay sina Hajat Abbang 38, Kirah Ainazri Jawad, 20, at kapatid na si Sansi Jawad, 18, ng Barangay Buanza, Indanan,Sulu.

Si Abbang, aniya, ay tauhan ng napatay na si ASG Sub-leader Alhabsy Misaya habang ang magkapatid ay tauhan naman ng isa pang ASG sub-leader na si Abraham Hamid.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga baril, kabilang na ang isang M16 Rifle, Garand Rifle at ang M79 na may kasamang magazine.

Ang mga ito ay boluntaryong sumuko sa Marine Battalion Landing Team 1 (MBLT1) dakong alas-9:45 ng umaga.

Ang tatlo ay dinala muna sa military hospital sa Jolo, Sulu upang isailalim sa medical check-up at custodial debriefing.

Kinumpirma naman ni Lt. Gen. Carlito Galvez, Jr., Western Mindanao Command commander, na aabot na sa 181 na miyembro ng ASG ang sumuko sa pamahalaan.

 

“The command continue to process surrenderees and will not stop exerting effort in reaching out those who are having second thoughts to surrender,” sabi pa ng opisyal.