Ni MERLINA HERNANDO-MALIPOT

Minsan pang inatasan ang Commission on Higher Education (CHEd) “[to] completely implement” ang utos ng Supreme Court (SC) na ibalik ang core courses na Filipino at Panitikan sa kolehiyo sa pagpapatupad ng bagong General Education Curriculum (GEC) simula sa Academic Year 2018-2019.

Ang kaso ay inihain ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika, isang alyansa ng mga eskuwelahan, kolehiyo, unibersidad, linguistic at cultural organizations, at concerned citizens, at nakakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa pagtatanggal ng Filipino at Panitikan bilang mga mandatory core course sa bagobng GEC sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa noong 2015.

Gayunman, sinabi ni Tanggol Wika Convenor David Michael San Juan na sa kabila ng nasabing desisyon ng Korte Suprema ay “never actually implemented” ito ng CHEd. Upang muling paalalahanan ang CHEd sa nasabing court order, idinokumento niya ang ayon sa kanya ay “history” ng “continuing violation” ng komisyon sa nasabing TRO.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang 2013 nang ipalabas ng CHEd ang CMO No. 20, series of 2013, o ang “General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies” na policy cover ng nirebisang GEC.

Binuo ang bagong GEC para sa implementasyon ng K to 12 Education Program—partikular para sa mga nakakumpleto na ng Senior High School (SHS) sa Department of Education (DepEd). Ang bagong GEC ay mayroon nang kabuuang 36 units sa lahat ng estudyante mula sa 63 units para sa mga Humanities at Social Science majors, at 51 units para sa mga Science, Engineering at Math majors noon.

Ang nirebisang GEC ay nakatuon sa walong pangunahing subject na maaaring maituro sa Filipino o English. Ayon sa CHEd, ang mga nasabing core courses ay “inter-disciplinary and are stated broadly enough to accommodate a range of perspectives and approaches.” Dahil dito, ang Filipino, kasama ng English, Literature, Math, Natural Sciences, Humanities at Social Sciences ay tinanggal sa bagong GEC simula ngayong academic year.