Ni Gilbert Espeña

PURSIGIDO si dating WBC International flyweight champion Giemel Magramo sa kanyang laban kay Michael Bravo para sa bakanteng WBO Oriental flyweight title sa Marso 25 sa Okada Manila Hotel and Casino sa Paranaque City.

May kartadang 20 panalo, 1 kontrobersiyal na talo na may 16 pagwawagi sa knockouts, nakalista si Magramo bilang No. kay flyweight champion kaya maaari siyang lumaban sa world title crack anumang oras.

Makaraang matalo sa kontrobersiyal na 10-rounds unanimous decision kay Muhammad Wassen para sa WBC Silver flyweight crown, tinalo niya sa stoppages sina John Ray Lausa, dating world title challenger John Mark Apolinario at beteranong si Benezer Alolod para kumasa sa WBO title bout.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasalukuyang Philippine Boxing Federation flyweight titlist si Bravo na may 13 panalo, 1 talo na may anim na panalo lamang sa knockouts kaya malaki ang mawawala kay Magramo kung matatalo niya dahil nakalista itong No. 14 sa WBA rankings.