Ni Annie Abad

UMAASA ang bagong liderato ng Philippine Olympic Committee (POC) na makikipag tulungan sa kanila ang mga dating opisyales at kilalang kaalyado ni dating presidente Peping Cojuangco, kahit na si Ricky Vargas na ang nanalo.

Ayon kay Sepak takraw sec-gen Karen Caballero, kilalang kaalyado ni Vargas, na kasalukyuan nilang pinagaaralan ang mga bagay bagay na dapat nilang pagtuunan ng pansin na iniwan sa kanila ng dating administrasyon.

“We aim to better understand what we are inherting from the previous admin before we can move on and better strategize what we can do for the promise change of Mr. Vargas.And we can only achieve that by securing papers and documents and communicating with the previous admin,” pahayg ni Caballero.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sinabi pa ni Caballero na malaki ang tiwala nila na makikipagtulungan naman ang dating administrasyon sa liderato ni Vargas, gayung iisa lamamng ang knailang layunin ang mapaganda ang Philippine Sports.

“Tingin ko naman they will cooperate. We are still very much sports colleagues and would treat this transition respectfully and professionally,’ayon pa kay Caballero.

Biyernes ng hapon nang ideklara ang panalo ni Vargas kontra kay Cojuangco na ikinatuwa ng marami at umaasang magkaroon ng pagbabago sa POC.