Ni Bella Gamotea

Nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell at Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes ay nagtaas ito ng P1.15 sa kada litro ng kerosene, 85 sentimos sa diesel, at 65 sentimos naman sa gasolina.

Sinundan ito ng Flying V, na nagpatupad ng kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo bandang 6:00 ng umaga ngayong araw din.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Nagpatupad din ang Phoenix Petroleum ng katulad na taas-presyo sa diesel at gasolina, habang hindi nagbago ang presyo ng kerosene.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kaparehong dagdag-presyo sa petrolyo, na bunsod ng

paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.