Ni Gilbert Espeña
MATAPOS ipakita ang lakas ng kanyang mga kamao sa pagkaospital ni No. 1 at mandatory challenger Juan Carlos Reveco ng Argentina, hinamon ni IBF flyweight champion Donnie Nietes si WBC super flyweight titlist Wisaksil Wangek ng Thailand para sa target na four-division title.
Tinalo ni Nietes si Reveco via 7th round knockouts at inoobserbahan pa rin sa ospital samantalang nanalo sa kontrobersiyal na 12-round majority decision kamakalawa si Wangek laban kay Mexican Juan Francisco Estrada sa Superfly 2 card kamakalawa sa The Forum, Inglewood, California sa United States.
Sa panayam ni Francsco Salazar ng BoxingScene.com,nagulat si Nietes sa estadistika ng sagupaan dahil nasapol niya ng 100 suntok si Reveco na nakaganti lamang ng 40 bigwas.
“I’m very proud to defend my title in front of all the great Filipino fans here in Los Angeles,” sabi ni Nietes. “I want the biggest fights either at this weight or to move up.”
Naunang humamon kay Nietes si four-division world champion Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez na personal na hiniling kay WBO President Francisco Varcarcel na paglabanan nila ni Nietes ang nabakanteng WBO super flyweight title.
“There has been talk of me fighting ‘Chocolatito’ (Gonzalez) next. That’s a fight I want. I’d also like to fight Wangek [Sor Runvisai],” diin ni Nietes na pinuri ng boxing fans sa kanyang performance sa Superfly 2 card. “I’m happy because I had a sensational knockout.I think it was a perfect 10. I just want to fight the big names out there.
Whichever champion is going to come forward, I want the fight.”
Idinagdag ni Nietes na sasagupain niya kung sino ang ikakasa ng kanyang manedyer na si Michael Aldeguer ng ALA Boxing Gym.