Ni NITZ MIRALLES
INI-LAUNCH kahapon sa Solaire Resort and Casino bilang new endorsers ng Cignal TV ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Tiyak nga namang marami ang maeengganyong magpalit ng cable service providers kung ang mag-asawa ang kukumbinsi sa consumers na lumipat sa Cignal TV.
Malaking factor na may 108 channels, 85 SD at 23 HD channels pa at mura ang monthly payment. Last year pa nag-shoot ng TVC ng Cignal TV sina Dingdong at Marian at pahulaan pa nga kung anong endorsement ito.
Samantala, habang wala pang ginagawang teleserye ay nag-enroll si Dingdong ng Master of Public Management Program sa Faculty of Management and Development Studies sa UP Open University.
May mga nagsasabing paghahanda na ito ni Dingdong sa pagpasok niya sa pulitika in the future. Pero sabi niya sa TV interview, para ‘yun sa future ng pamilya niya, kay Marian, sa anak nilang si Zia at sa mga magiging anak pa nila.
Kung sakali man, suportado ni Marian ang pagpasok ni Dingdong sa public service, consistent ito sa mga sagot na “kung dumating ang panahong papasok nga si Dingdong sa pulitika, bilang maybahay niya, susuportahan ko siya dahil alam kong para sa kapakanan ng bansa at mga Pilipino ang tatrabahuin ni Dingdong.”