KASISIMULA pa lang ng summer at nauna nang sumugod sa beach si Maine Mendoza.

Mahilig talaga sa beach si Maine at nasa bucket list niya ang pagpunta sa iba’t ibang beaches dito sa Pilipinas at sa labas ng bansa.

Maine Anawangin Cove copy

Matatandaan na pumunta na siya ng Maldives Beach at sa Miami Beach noong Christmas vacation niya last year. Kaya no problem sa kanya kung kahit Sunday ay magtrabaho siya, sa beach naman sila pupunta.

Dahil sa gigil? Sylvia Sanchez, pinag-shopping nang bongga ang apo

Puyat man si Maine dahil um-attend siya last Saturday ng launch ng sariling cosmetic lines ni Patrick Starrr, a Filipino-American make-up guru ng foreign celebrities na kapareho niya ng ipino-promote na international brand, iba nga lamang ang line na nakatoka sa dalaga. Um-attend din siya pagkatapos ng ADN Euphoria, pero go pa rin siya sa Zambales kinabukasan.

Sunday morning, bumulaga sa fans ang Instagram story ni Maine na nagbibilad na siya sa beach sa Zambales. Ang post niya sa isang picture, “sunkissed” na nakabilad siya sa araw sa Anawangin Cove at sa isa naman, “resting beach face” na nakasakay na siya sa isang motorized banca.

Walang sumagot sa mga tinanong namin kung ano ang work ni Maine roon, maliban sa patuloy na IG story niya na ipinakikita ang dinaraanan nilang magagandang lugar sa Zambales at may caption siyang, “Weekend crew Island hopping(Capones & Camara), February 25, 2018.”

Kasama sa picture ang brother niyang si Dean at members ng kanyang glam team at ang isa sa executieves ng product na ini-endorse nila ni Alden Richards, plus ang handler niyang si Michael Uycoco.

Part kaya ito ng TVC ng product for summer?