Ni NORA CALDERON

UMINGAY ang usap-usapan na nagkasakitan sa eksenang sampalan sina Lovi Poe at Erich Gonzales habang kinukunan ang blockbuster movie nila ngayong The Significant Other with Tom Rodriguez, kaya tinanong si Lovi sa set ng The One That Got Away (TOTGA) kung malakas ba talaga siyang manampal.

Lovi Poe Baliwag copy

“Malakas po talaga akong manampal kapag totohanan ito,” nakangiting sagot ni Lovi. “Nagso-sorry naman ako after. Pero tinatanong ko rin ang sasampalin ko kung guato ba niya fake na sampal. Thankful nga ako na wala pa kaming sampalan blues dito sa aming romantic-comedy series.”

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

Paano naman niya tinatanggap ang mga sampal sa kanya kapag siya naman ang tinatamaan?

“Nakakatawa nga kasi kilala natin ang husay nina Ms. Maricel Soriano at Ms. Cherie Gil pagdating sa acting, pero hindi ako nakatikim ng matinding sampal sa kanila. Like si Ms. Maricel sa Ang Dalawang Mrs. Real si Dingdong (Dantes) ang tumanggap ng maraming sampal sa kanya. Kaya tinanong ko sila, iyon pala, dahil naaalaala raw nila ang dad ko, si Fernando Poe Jr., kaya hindi raw nila itinodo ang sampal sa akin. 

“Pero ang hindi ko malilimutang sampal kay Ms. Celeste Legaspi sa Ang Dalawang Mrs. Real. Hindi ko iyon in-expect, hindi ko napaghandaan, sinalo ko lahat ng sampal niya. Part na iyon ng work namin, kaya hindi naman ako ang taong magku-confront kung nasaktan ako.”

Sa TOTGA pumasok ang character ni Gab na ginagampanan ni Renz Fernandez as her ex-boyfriend, bukod sa ex-boyfriend din niyang si Liam (Dennis Trillo). Kaya biro kay Lovi, nagkasama ang dalawang anak ng showbiz royalty, sina Fernando Poe Jr. at Rudy Fernandez. Masaya sila ni Renz na napag-uusapan nila ang kani-kaniyang ama. Gusto niyang katrabaho si Renz dahil mabiro rin kaya masaya silang lahat sa set ng TOTGA na napapanood gabi-gabi sa GMA-7 after Kambal Karibal.