Ni ADOR SALUTA

MAAYOS ang kung anumang namamagitan kina Joshua Garcia at Julia Barretto.

‘“Bina-balance namin ang isa’t isa,” sabi ni Joshua. “Minsan, wala ako sa mood, siya ‘yung magpapaganda ng mood ko.

Joshua copy

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

‘Pag siya naman ‘yung wala sa mood, ako ‘yung nagpapaganda ng mood niya. Balanced, very balanced.”

Wala siyang maalalang big fight na namagitan sa kanila ni Julia, pawang petty quarrels lang.       

 

“Mga tampuhan lang, selosan, ganu’n lang. Walang todong away.”                                                 

Sa mga tampuhan nila ni Julia, tinitiyak niya na siya ang unang nakikipagbati.

“Ako… ako. Pero minsan depende rin. Depende kasi rin ‘yon, eh, kung sino’ng may kasalanan.

“Eh, kadalasan kasi ako ‘yung may kasalanan kaya ako ‘yung nauunang makipag-ayos,” nakangiting sabi ng binatilyo.

Isip-bata pa ba siya kaya sila nagkakatampuhan?

“Hindi, ah! Hindi ako isip-bata,” tanggi ni Joshua. “Nagiging isip-bata lang ako ‘pag nagti-trip ako lalo na kapag gusto ko siyang asarin. Minsan naa-annoy na siya sa akin,” dagdag pa ng bidang aktor sa The Good Son.

Naniniwala rin si Joshua na hindi na dapat palakihin ang maliliit na problema sa relasyon nila ni Julia.

“Dapat kasi konting away lang n’yo, konting tampuhan dapat inaayos na, kasi lumalala ‘yung ganyan, eh. Saka ayoko naman yong todong away agad. Masyado kaming magiging komportable sa isa’t isa kapag nag-away kami nang todo,” paliwanag pa ng mahusay na young actor.