Red Sparrow
Red Sparrow

Panahon na para makilala ang mga malulupit na ispiya dahil bibigyang buhay ni Jennifer Lawrence ang walang kinatatakutan at pinakatusong babaeng bayani sa pinakabagong adult spy thriller na "Red Sparrow". Gaganap si Lawrence na prima ballerina na si Dominika Egorova sa pelikula na magiging isang Russian spy na mapipilitang mapunta sa mundo ng panlilinlang at pang-aakit para lamang mabuhay.

Si Francis Lawrence ang nagdirek ng "Red Sparrow" na siya ring gumawa ng ilang blockbuster na pelikula tulad ng "Hunger Games" at "Constantine" na kinabibilangan ng mga kahanga-hangang grupo ng aktor tulad nina Academy Award winner Jeremy Irons, Charlotte Rampling, Matthias Schoenaerts, Joel Edgerton at Joely Richardson. "Ang pagkakaiba-iba ng mga talento na ginagampanan ng mga aktor ay nagpapakita ng kalidad ng kuwento, ang kakaibang bisyon ni Francis at ang interes sa karakter ni Dominika," pansin ng Producer na si David Ready. Halos lahat ng mga aktor at aktres ay di mabitawan ang script at gusto malaman ang susunod na mangyayari at hindi rin nila mahulaan kung paano ito matatapos.

Si Jennifer Lawrence na nakatrabaho na ni Francis Lawrence sa The Hunger Games: Catching Fire, The Hunger Games: Mockingjay Part 1, and The Hunger Games: Mockingjay, Part 2, ay sinama na agad siya bilang Dominika sa umpisa pa lamang ng proseso ng paggawa ng pelikula.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

"Ipinaalam na agad sa akin ni Francis ang tungkol sa pelikula noong press tour ng huling Hunger Games," kinumpirma ng aktres. "Talagang nalagay siya sa isang delikadong at di kaayaayang posisyon noong bata pa lamang siya. Noong unang kong nabasa ang script ay pinag-usapan agad namin ito, ang mga eksena sa Sparrow School ay talagang nakakatindig-balahibo. Iyun ang unang beses na ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko, pero nakaramdam ako ng kalayaan matapos kong gawin lahat ng iyon. Ang totoo'y, sinanay si Dominika na gamitin ang katawan niya pero nananaig pa rin ang kanyang matalas at tamang pag-iisip. Para sa akin, isa siyang kumplikado at mahirap unawain na bayani, may sarili siyang sinusunod na tuntunin at hindi titigil hanggang hindi nagtatagumpay.

Gaganap na Korchnoi ang Academy Award winner na si Jeremy Irons, isang decorated general ng SVR. Ipinaliwanag ni Irons kung ano ang nagustuhan niya sa karakter ni Korchnoi: "Isa iyun sa pinakamagandang script na nabasa ko. Hindi pa ako nakakagawa ng isang spy movie. Talagang hindi ko matigilang basahin ang script. Nakakamangha at mahusay ang pagkakagawa sa script. Binasa ko din ang libro na sobrang nagustuhan ko rin."

Si Matthias Schoenaerts ay gaganap bilang Uncle Vanya ni Dominika. Agad niyang kinuha ang opurtunidad na makuha ang trabahong ito, aniya, "isang grupo ng mga talentadong tao." Sa relasyon ni Vanya at Dominika, sabi niya: "Nalaman namin na may kumplikadong relasyon si Vanya sa namatay na tatay ni Dominika kaya naman ay pinoprotektahan niya ito. Hindi bulag si Vanya sa pagkababae ni Dominika at alam niyang may maliit na pagkakaiba sa pagitan ng pagiging totoo at sa pagmamanipula."

Si Anna or Matron, ang gagampanan ni Charlotte Rampling. "Maganda ang pagkakalikha sa karakter niya," pansin ni Rampling. "Suportado ni Matron ang estado at ang Komunismo. Pinahahalagahan niya ang disiplina, ang kaayusan at pagkakaroon ng tiwala sa mas nakatataas kaysa sa sarili na kaya niyang ipagkatiwala ang buhay niya sa mas may magandang hangarin.

Ang "Red Sparrow" ay ipapalabas sa mga sinehan sa Pilipinas sa Pebrero 28 mula sa 2oth Century Fox. I-follow ang 2oth Century Fox (PH) sa Facebook.

Rated R-16 (no cuts) ng MTRCB.