Hindi kagandahang balita para sa mga motorista.

Napipintong magpatupad muli ng oil price hike sa bansa ngayong linggo matapos lang ang magkasunod na big-time rollback.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P1 hanggang P1.10 ang kada litro ng kerosene; 80 hanggang 90 sentimos sa diesel, at 55-65 sentimos naman sa gasolina.

Ang nagbabadyang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Big-time rollback ang ipinatupad nitong Pebrero 18 ng mga kumpanya ng langis, nang magtapyas ng P1.25 sa kada litro ng diesel, P1.20 sa kerosene, at P1.05 naman sa gasolina.

Sa dalawang linggong bawas-presyo sa petrolyo, umabot sa mahigit P2 ang nabawas sa presyo ng kada litro ng diesel, gasolina at kerosene. - Bella Gamotea