DINAIG ni Cagayan de Oro City bet Lennon Hart Salgados kontra si Bacolod native Jerry Areque para magkampeon sa katatapos na Mayor Christian D. Natividad Non-Master Chess Championship nitong Sabado sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos, Bulacan.
Bagamat lugi ng kalahating puntos matapos ang penultimate sixth round ay kinailangan manalo ni Salgados sa dating solo leader na si Areque para makasama si Malolos top gunner Karl Victor Ochoa para sa two-way tie sa 6.5 puntos.
Nakamit ni Salgados ang first place dahil sa superior tiebreak points sa event na suportado ni Mayor Christian D. Natividad mas kilala na “Agila ng Bulacan” sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sanctioned tournament.
Sa iba pang top board results ay panalo si Ochoa kontra kay Tarrasch Knight Guadalupe Chess Club bet Don Tyrone Delos Santos para makahabol kay Salgados at nalagay sa second place.
Nanatili naman si Areque sa 6.0 points, iskor din na naitala nina Rowel Roque, Jerome Villanueva, Narcisco Gumila Jr. at Prince Mark Aquino.
Si Areque na lagi naglalaro sa Novaliches Novelty Chess Club at Luneta Chess Plaza ang kumuha ng third place na may superior tie break points.
Habang nanguna naman si De los Santos sa huge group ng 5.5 pointers na kinabibilangan nina Julius Gonzales, Romulo Curioso Jr., Alexis Emil Maribao, Timothy John So Kua, Jerich Cajeras, Chester Caminong at Walt Allen Talan.
Ang tournament director ay si FNA Reden “Red” A. Cruz ng Professional Chess Trainers Association of the Philippines - PCTAP, Inc. habang ang chief arbiter ay si IA Ilann Perez ng Chess Arbiter Union of the Philippines (CAUP).
Nagbigay naman ng pahayag si National Chess Federation of the Philippines (NCFP) treasurer at Philippine Executive Chess Association (PECA) founding president Atty. Cliburn Anthony A. Orbe sa katatapos na Mayor Christian D. Natividad Non-Master Chess Championship na pinamagatang Fiesta Republika 2018.
“Maraming-maraming salamat po kay Mayor Christian D. Natividad sa walang humpay na pagsuporta sa Philippine chess”. ani Atty. Cliburn Anthony A. Orbe