Ni Light A. Nolasco
STA. ROSA, Nueva Ecija – Dead on the spot ang isang motorcycle rider nang sumalpok sa poste ang sinasakyan niyang motorsiklo, nitong Sabado ng hapon.
Nakilala ang nasawi na si Jose Mendez, 31, welder, ng Barangay Mapalad, Sta. Rosa.
Sa imbestigasyon ng Sta. Rosa Police, pauwi na si Mendez at nang makarating sa bahagi ng Fort Magsaysay-Cabanatuan Road sa Purok 6 ay biglang nawalan ito ng kontrol sa motosiklo hanggang sumalpok sa poste.