army3

MULA sa pagiging tersera sa nakalipas na edisyon, determinado si Pfc.Cris Joven na masungkit ang titulo, tangan ang bagong kumpiyansa dulot ng suporta ng Bicycology Shop sa kampanya ng Philippine Army sa 2018 LBC Ronda Pilipinas simula sa Marso 3 sa Vigan, Ilocos Sur at magtatapos sa Marso 18 sa Filinvest, Alabang.

Tumapos ang 30-anyos na si Joven sa likod nina Jan Paul Morales at kasangga sa Navy-Standard Insurance na si Rudy Roque sa nakalipa sna ratsadagan sa 12-stage cycling marathon.

Ngunit, sa pagkakataong ito, nag-uumapaw ang kumpiyansa at determinasyon kay Joev, maging sa kanyang mga kasamang Armymen.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Compared to last year, I’m better prepared now so hopefully I could contend and challenge them again,” pahayag ni Joven, pambatong anak ng Iriga, Camarines Sur.

Makakasama ni Joven sa kampanya ang beteranong sina Sgt. Alfie Catalan, Sgt. Merculio Ramos, Jr., Pfc. Marvin Tapic, Sgt. Reynaldo Navarro at Sgt. Alvin Benosa para mapabagsak ang matitikas na karibal na kinabibilangan nina Morales at dating kampeon na si Santy Barnachea ng Team Franzia at Iris Valenzuela ng CCN Superteam.

Nasa pangansiwa ang Philippine Army ni Commanding Officer Col. John Divinagracia, coach SSG Paterno Curran at crew Cpl. Arnold Mercado, habang inayudahan ang kanilang kampanya ng Bicycology Shop nina Olympian Eric Buhain at pakner na si John Garcia.

Kasama rin sina Cpl. Lord Anthony del Rosario at Pfc. Kenneth Solis sa torneo na itinataguyod ng LBC sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.

Tumataginting na P1 milyon ang nakatata sa team championship sa 12-stage race na sisinmulan sa 40-kilometer Vigan criterium Stage One sa Marso 3 na susundan ng 155.4km Vigan-Pagudpud Stage Two.

Sasabak ang mga siklista sa 223.5km Pagudpud-Tuguegarao Stage Three sa Marso 5 kasunod ang 135.2km Tuguegarao-Isabela Stage Four sa March 6 at 179.4km Isabela-Nueva Ecija Stage Five sa Marso 8. Hahataw naman sa 111.8km Nueva Ecija-Tarlac Stage Six sa Marso 9, gayundin sa 31.5km Individual Time Trial Stage Seven at 42.14km Team Time Trial Stage Eight sa Tarlac sa Maro 10 at 11.

Magkakasubukan ang lahat sa 207.2km Silang-Batangas-Tagaytay Stage Nine sa Marso 15; kasunod ang 147.8km Tagaytay-Calaca Stage 10 sa March 16; 92.72km Calaca-Calaca Stage 11 sa Marso 17 at ang 50km Filinvest Alabang criterium Stage 12 sa Marso 18.

Makakaharap ng Philippine Army-Bicycology Shop ang Tarlac Province, Go for Gold, Go for Gold Developmental team, South Luzon, Ilocos Sur Province, Nueva Ecija at Team Bike Xtreme.