Kabuuang 17 individual’ ang tatanggap ng Tony Siddayao Awards, habang tatanghaling MILO Junior Athletes of the Year ang nalalabing tatlo.
Ibinibigay ang parangal bilang pagpupugay sa mga batang atleta na nakagawa ng tagumpay sa kani-kanilang sports.
Kabilang sa pararangalan sina swimmer Micaela Jasmine Mojdeh, Marc Bryan Dula, Jerald Jacinto, Francies Obiena, Veruel Verdadero, Jose Jerry Belibestre, Kenneth dela Pena, John Vincent Pangga, Bryan Otico, Alexandra Eala, Juan Francisco Baniqued, Karen Manayon, Al-Basher Buto, Jerlyn Mae San Diego, Mary Angeline Alcantara, Johnzenth Gajo, at Marc Lester Ragay.
Kikilalanin naman bilang MILO Junior Athletes sina Maurice Sacho Illustre, Allaney Jia Doroy, at Kyla Soguilon. Kasama ang mga kabataan sa kabuuang 105 awardees ng pinakamatandang media organization sa bansa sa programa na itinataguyod ng MILO at Cignal TV.
Pangungunahan nina boxing world champion Jerwin Ancajas, billiards king Carlo Biado, at bowler Krizziah Lyn Tabora ang paparangalan bilang PSA-Tapa King Athlete of the Year sa sa gabi ng parangal na itinataguyod din ng Philippine Sports Commission (PSC), Mighty Sports, Globalport, Rain or Shine, Smart, at Philippine Basketball Association (PBA).
Inanyayahan bilang guest of honor at keynote speaker si Department of Agriculture Secretary Manny Pinol, isang dating sportswriter, columnist, at boxing analyst.